Ang blog na ito ay akin sinumulan dahil gusto ko maibahagi sa mga kapwa kong Pilipino ang aking kaalaman ukol sa pananampalatayang Orthodox. Maraming lugar sa internet ang puwede puntahan ng mga tao upang matutunan ang mga turo and tradisyon ng mga Orthodox, ngunit lahat ito ay nasa iba't ibang banyagang wika. Upang maging mas malapit at mas madaling intindihin sa mas nakakaraming Pilipino, naisip kong magsulat sa wikang Tagalog.
Ako ay isang Pilipino na naging Kristiyanong Orthodox. Bahagi ako ng Orthodox Church in America. Ang aking kaalaman na ipapamahagi ko dito ay ang mga aking natutunan sa pag imbistiga ko sa pananampalatayang Orthodox mula pa bago ko man naisip at tinanggap ang mga turo nito, hanggang ngayon na pinapalago ko ang aking pananampalataya. Matapat kong sasabihin na hindi ako isang dalubhasa sa larangang ito at ang maibabahagi ko lamang ay kung ano lamang ang natutunan ko. Ang pag tuklas ng pananampalatayang ito at isang patuloy na proseso, nais ko lang itong blog na ito ay maging panimula para sa mga makakabasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento